06
Jan
10

Noynoy Aquino: si Mama at si Papa

Noynoy Aquino: si Mama at si Papa

image from allecoallende.files.wordpress

Miyerkules, ika-30 ng Disyembre, 8:40 ng umaga. Habang nakikinig ako sa mga paborito kong mga himig ng dakada 70, biglang may tumunog na cellphone- tunog na hindi galing sa akin. Lumingon ako sa pinanggalingan ng tunog at nakita ko ang cellphone ni Kringkring, isa sa aking mga dalagita. Naiwan pala niya ito sa pagmamadali. Sumama kasi siya sa aking misis sa NCCC (isang mall dito sa Davao), nagsa-shopping.

Dali-dali ko itong kinuha at tinignan. Nalaman kong isang text message ang ipinadala. Binuksan ko ito upang mabasa sa pag-aakalang galing sa misis ko. Galing pala sa isa sa mga kaibigan ni Kringkring. Laking gulat ko nang mabasa ang nilalaman na message. Kahit tinatamad, naisip kong ilagay sa blog ko dahil sa ito’y may kabigatan.

Narito ang nilalaman ng text message na ‘yon:

Manny Villar: Sipag at Tiyaga
Gibo Teodoro: Galing at Talino
Noynoy Aquino: si Mama at si Papa

Bakit sinabi kong may kabigatan? Sa tatlo kasing tumakbong may chance na manalo sa pagka presidente ng ating bansa, si Noynoy lang ang walang nakakabit na tagline. Si Manny Villar ang ipinagmalaki ay ang kanyang sipag at tiyaga, si Gibo Teodoro ay ang kanyang galing at talino, si Noynoy Aquino ay wala. Kaya siguro naisip ng nag-compose ng text message na nabasa ko na ilagay bilang asset niya (Noynoy) si Ninoy at Tita Cory, na totoo naman.

Wala talagang maipagmalaking abilidad si Noynoy. Siya’y nakasandal lang sa anino ng pumanaw na niyang mga magulang; at sa kanyang kapatid na si Kris. Isa sa mga dahilan kung bakit nasabi ko ito ay makikita dito. Sa aking personal na opinyon, tila may kakulangan siya ng kompiyansa (na nakikita ko sa sa kanyang tindig), kawalan ng pokus (na nakikita sa kanyang mga matang palipatlipat ang tinitingnan), at tila kakulangan ng paniniwala. Sa performance bilang senador, nasa ibaba siya.

Ang listahang ito ay nagpapakita ng bilang ng naipasang bills at resolutions ng mga senador sa panahon ng 14th Congress break noong Marso.
1. Miriam Defensor-Santiago – 933
2. Manny Villar – 579
3. Jinggoy Estrada – 538
4. Loren Legarda – 299
5. Francis Escudero – 288
6. Antonio Trillanes – 261
7. Bong Revilla – 238
8. Lito Lapid – 196
9. Richard Gordon – 148
10. Manuel Roxas II -146
11. Edgardo Angara – 140
12. Juan Miguel Zubiri – 135
13. Aquilino Pimentel Jr – 121
14. Pia Cayetano – 114
15. Rodolfo Biazon – 107
16. Jamby Madrigal – 93
17. Francis Pangilinan – 87
18. Panfilo Lacson – 83
19. Gregorio Honasan – 73
20. Juan Ponce Enrile – 70
21. Noynoy Aquino – 46
22. Alan Peter Cayetano – 24
23. Joker Arroyo – 11

Marahil masasabi ng mga makakabasa nito na ako’y hindi boboto kay Noynoy. Tama sila. It is either Gibo or Villar for me. Not even Erap! At sabihin na rin nilang naninira ako. Dito mali sila. Ako’y naglalahad lang ng aking personal na paniniwala. Walang nanghihikayat sa akin kungdi ang text message na hindi naman para sa akin- ang message na pumukaw sa natutulog kong kamalayan.

this is a repost from my WordPress blog.
Read comments here


0 Responses to “Noynoy Aquino: si Mama at si Papa”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: