11
Apr
08

ANG AKING ANA

.

Ang Aking Ana

.

Ang aking nagiging panganay, Ana Regina Carmeli

Ang tulang nasa ibaba ay naisulat ko nung ako’y binata pa. Kasama ng iba ko pang naisulat, ito’y itinago ko na lang at kinalimutan. Nang nakita ko na ang babaing inibig ko nang husto, ako’y nagpasyang lumagay na sa tahimik…
.
Pagdaan ng mga araw, nalaman kong malapit na akong maging tatay. May napagkasunduan kami ng misis ko na kung lalaki ang magiging panganay namin, ako ang pipili ng magiging pangalan. Kung babae naman, siya. Nung mga panahong ‘yon may napili na ako: Juan Carlos Isidoro, in short, JCI. Ang Juan ay sa lolo ko sa mother side. Ang Carlos ay sa Carlos P. Garcia na pinsan ng nanay ko at ang Isidoro naman ay siyempre, sa akin.
.
Nang siya’y nagluwal na, isang sanggol na babae kaya siya ang nagbigay ng pangalan. Dahil sa ang misis ko ay palasimba, ang naging pangalan ng sanggol ay Ana Regina Carmeli. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ‘Ana’. Ang alam ko ay ang Regina Carmeli, Queen of (Mt.) Carmel. Nang itanong ko ito sa kanya, sumagi lang daw sa kanyang isipan. Ang sapantaha ko’y nakuha niya ito sa karakter na ginawa ko. Baka nasa subconscious na niya ito dahil nung magkasintahan pa lang kami, nabasa na niya ang mga naisulat ko.
.
‘Yon lang…


16 Responses to “ANG AKING ANA”


  1. 1 eng
    April 11, 2008 at 12:57 pm

    very sad….
    you may be right in your assumption though,sad stories sometimes do leave its marks
    and finds its way to the hindmost part of our memory.

  2. 2 Marge
    April 13, 2008 at 12:25 am

    totoo ba yan? read / seen it several times na kasi e

  3. 3 rod
    April 13, 2008 at 3:48 am

    to marge tadeja:

    maraming salamat sa comment n’yo.
    nabasa ko ang friendster blog mo hanggang sa personal at kids. at betuin din. writer / researcher ka pala by profession, ang trabahong mula pa noon hinangad ko na. sayang nga lang at hindi ako nakapagtapos kahit high school. magkagayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa friendster dahil kahit papaano mailalabas ko ang katiting na nalalaman. doon pala sa ang aking ana, totoo lahat yon na napagkasuduan namin ng misis ko. totoong gasgas na ang tema, pero totoo ring ako ang sumulat nito. ako’y lubos na nagpapasalamat sa panahong iniukol mo at higit sa lahat, sa pagbigay mo ng comment sa abang gawa ko. mula sa kaibuturan ng aking puso, GOD BLESS and more power!

  4. April 14, 2008 at 5:28 am

    Great! Very touching! Galing mo!

  5. April 14, 2008 at 4:54 pm

    para sa ‘yo ed,
    maraming salamat sa iyong pagpapaunlak! hindi maikakaila na iilan na lang tayong gumagawa ng ganitong uring paglalahad ng damdamin. nabasa ko na ang friedster blog mo http://eduartesandiego.blogs.friendster.com/nung_unang_panahon/
    at magkakatulad pala tayo ng saloobin. sa batang eded mong yan, malayo pa ang mararating mo!

  6. April 14, 2008 at 4:19 pm

    meron pa pala ako makakasama dito sa larangang ang buong akala ko ay nilimot na ng mga dahon ng panahon na nalagas.
    ako nga pala si edd san diego, 44 taon, taga montalban rizal. ang father ko ay bulakenyo (SLN)at ang aking ina naman ay isang ilokana at kasalukuyang nasa boston. di ko pa gaanong nababasa ang mga awitin ng iyong kalooban sa liwasang ito subalit hindi na maglalaon yun at mangyayari na.
    magaganda ang mga awit mo at may iba ka estilo sa pagglikha nito.
    hayaan mo sa susunod naman tayo magbalitaktakan.
    more power sa yo at sa panulaang tagalog!

    edd

  7. April 24, 2008 at 9:52 pm

    manoy Doro,
    hinahangaan ko po ang galing nyo sa pagsulat.madam-damin at makatotohanan ang isinasaad ng inyong mga akda.nalala ko po tuloy ang aking kabataan,ang hilig sa pagsusulat na hindi kayang iwaksi ng panahon…maraming salamat din po sa iba pang mga tula… nagpapahiwatig po ng katotohanan ng buhay, maging yung tungkol sa pasasalamat, makakalikasan po at makadiyos.nagpapatunay po kung anong uri ng tao ang may-akda.natutuwa din po ako sa inyong pagpapahalaga sa inyong pamilya.God bless poh.

  8. April 25, 2008 at 1:29 am

    Eunice,
    maraming salamat sa mga papuri!
    ako ma’y natutuwa din sa pagmamahal mo sa iyong pamilya.
    (A Golden Lesson from an Old Woman & From my Files of Literary Archives on http://gatsulat.blogspot.com/ )

  9. June 16, 2008 at 11:43 pm

    hello po, kumusta po kayo? hindi po ako masyadong magaling mag tagalog pero napapasulat sin po ng konti. recently, a friend of mune criticized me on my personal mail for for writing against hillary clinton. nasaktan po ako. para saakin, ang blog ko ay akin. at wala akong inimbentong damdamin o pananalita kundi binase ko lahat sa mga news at sa sarili at personal kong judgment. hindi ko siya masagot na ang blog ko ay akin at wag niya akong lalagyan ng salita sa sarili kong bibig. pero hindi ko nagawa. maaari pong pagkatapos kong mabasa itong blog at reactions dito ay masulatan ko siya at maging kumportable ulit akong mag-komento ng pulitika sa publiko. i salute you! you handled the accuser very well.
    and you write superb poems with such ease.

  10. June 18, 2008 at 6:36 am

    I dont think you need to finish school to have the talent and skills you already have in writing… that was a nice one 🙂

  11. June 18, 2008 at 3:48 pm

    Stat,
    thanks!!!

  12. October 22, 2008 at 2:16 am

    Napakaganda! Manoy doro, naalaala ko tuloy ang kwento ng lola ko,(RIP) pinipilit syang magpakasal ng mga magulang nya sa mayamang manliligaw, pero nanaig ang pag-ibig nya sa lolo Inggo ko (RIP) at nagbunga ng sampung supling ang wagas na pag- iibigan nila, hindi na muling nag asawa ang lola ko hanggang sya’y pumanaw sa mundo. Nagustuhan din po ng anak kong dalaga ang tula nyo, magaling po daw kayo, at sang-ayon ako, saludo sa iyo, Manoy Doro.

  13. October 22, 2008 at 1:51 pm

    maraming salamat, kaibigang Maricar, gayundin sa dalaga mo.
    hinahangaan ko ang wagas na pag-iibigan ng lolo Inggo(RIP) at lola(RIP) mo! isa itong magandang halimbawa.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: