13
Mar
08

Pagkakauhaw

PAGKAKAUHAW

ni Manoy Doro

lalamunan ko’y tuyong-tuyo na
matinding pagkauhaw damang-dama
ang tubig na sa ngayo’y ipinagkait
iimumin ko kahit walang kasimpait

ang araw’y nagiging mabangis
tindi ng init niya apoy ang kawangis
ang malamig hangin ‘di man lang umihip
upang kahit sansaglit ako’y maidlip

mga paghihirap ko’y ‘di nababawasan
kahit na sa mga luha ko pinatuluan
dama kong katawa’y lalong pinag-aalab
ng pagsisising sa puso ko sumisilab

mga paghihirap ngayo’y ‘di sana nalasap
kung alay na tubig noo’y buong pusong tinanggap
ako sana’y nagiging maginhawa ngayon
kung ‘di ko pa sinayang ang nag–iisa kong kahapon

Bookmark and Share


0 Responses to “Pagkakauhaw”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: