10
Mar
08

BAWAT IBON AY AAWIT


BAWAT IBON AY AAWIT

ni Manoy Doro
17Hun’78

pakinggan ninyo
ang awit ng mga ibon
ito’y may dalang mensaheng
panghabang panahon :
saya’t pasasalamat
kasawia’t papuri
pangungulila’t pagsampalataya
pighati’t pagkamuhi

masdan ninyo
ang kalupitan ng mangangaso
sa bawat ibong aawit
may nakalaang palaso
kung bakit ibon ay mahuli
awit ang tanging dahilan
kung sila’y mananahimik lang
kabangisa’y di sana matikman

isipin ninyo
ang nakaambang panganib
libong palaso ang nakaumang
sa mumunti nilang dibdib
ngunit sa isipan nila
kailanma’y di mawawaglit
na sila sa mundo’y nabubuhay
upang humuni’t umawit

Bookmark and Share


3 Responses to “BAWAT IBON AY AAWIT”


  1. 1 rod
    March 14, 2008 at 2:25 pm

    A salute to our men and women in the media, they be in the print or in the broadcast. Keep up the good works!

  2. 2 Jun
    May 16, 2008 at 8:13 pm

    actually nakalimutan kita pero kung magpapakillala ka maaalala kita syempre

  3. 3 eng
    May 20, 2008 at 9:22 am

    Meaningful…both literally and figuratively.actually, i took it in its literal meaning until i read your comment…MABUHAY KA, manoy doro !!!!!!!


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: